Tula #27

2.1K 86 18
                                    

"Hindi Lang Ikaw"

Sinaktan mo ako
Pinaglaruan mo ako
Pinaasa at iniwan mo lang ako
Tapos nung nagkita tayo kinausap mo ako
Tinanong mo ako
Kung ok lang ba ako?
Kung anong mga bagay ang pinagkakaabalahan ko?
Kung nakapag-move on na ba ako sayo?

Tinanong mo ako habang may isang taong nasa tabi mo
At kitang-kita ko ang paghahawak kamay niyo
Na para bang pinamumukha mo na hindi ako kawalan sayo
At mabilis kang nakahanap ng kapalit ko

Sa tingin mo ba natutuwa ako na muli tayong pinagtagpo?
Sa tingin mo ba pinangarap ko na makita ang bangungot ng kahapon ko?
At sa tingin mo ba ganun lang kadali ang lahat?
Yung tipong ipipikit lang ang mata at pagdilat ay wala na?

Gusto kitang murahin at sigawan
Gusto kitang siraan sa kanyang harapan
Hindi mo kasi deserve na magmahal at mahalin
Pero pinilit kong sagutin ang tanong mo
Diritso kitang tinitigan sa mata at sinabi ang mga katagang...

"Hindi lang sardinas na isda ang makikita sa karagatan dahil marami pang pwedeng pagpipilian"

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang