Tula #28

2K 72 25
                                    

"Ayoko Ng Maging Matalino"

Sabi nila maswerte raw ako
Naiinggit sila dahil matalino ako
Naiinggit sila sa mga medalya ko
Naiinggit sila sa mga achievements
na natatanggap ko
Pero hindi nila alam na naiinis ako
Sa tuwing naririnig ko iyon sa
kanilang bokabularyo

Hindi naman ako matalino sa
lahat ng aspeto
Dahil sa larangan ng pag-ibig
ako ang dehado
Nagmumukhang bobo at
inosente masyado
Mas pinaiiral ang puso kaysa
sa sinasabi ng utak ko

Kaya kung may isang bagay man
akong pinagsisisihan
Iyon ay ang pairalin ang aking katangahan
Dahil may mga taong kaya
kang paglaruan
Bubulagin ka ng pag-ibig na
pawang kasinungalingan

Ayoko ng maging matalino
kahit na kailan
Walang silbi ang utak dahil
puso ang kahinaan
Dahil kung laro ang pag-ibig ako ang
laging talunan.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenМесто, где живут истории. Откройте их для себя