Tula #54

949 29 2
                                    

"Nagbago Ka Na Talaga Mahal"

Gustung-gusto kong ipaghain ka
Ng paborito mong pagkain na sayo'y nagpapasaya
Yung kita ko kung gaano ka katakam
Kapag nilalapag ko na sa hapag-kainan

Masarap tingnan ang matamis na ngiti mo
Na kahit pagod pa sa trabaho ay kusang naglalaho
Ikaw kasi ang nagsisilbing lakas ko
Para magpatuloy sa buhay nitong mapaglarong mundo.

Hinahanap-hanap ko ang matinis na boses mo
Hindi buo ang araw ko kung hindi ka makausap sa telepono
Dahil sa totoo lang ay natatakot at nangangamba ako
Na baka dumating yung araw na mawala ka sa piling ko.

At tuluyan ngang dumating ang araw na kinatatakutan ko
Lagi kang masungit at kinakalaban ako
Nagbulagbulagan ako at ginawa pa rin yung dating ginagawa ko
Pero sa halip na tuwa ay inis ang nakita ko sa mata mo

Ayaw mong pagsilbihan kita
Ayaw mong kausapin kita
Ayaw mong nilalambing kita
At ayaw mong pag-usapan kung anong problema ang meron tayong dalawa

Lahat ng gusto mo dati ngayo'y hindi na
Kahit anong gawin ko ay may kulang pa rin talaga
Nagbago ka na talaga, mahal
At alam kong sa mga sandaling ito hindi mo na ako mahal.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant