Tula #30

2K 72 12
                                    

"Pakiusap Wag Ako"

Kung pipili ka ng taong maloloko wag ako
Kung pipili ka ng taong sasaktan wag ako
Kung pipili ka ng taong iiwanan wag ako
At kung pipili ka ng taong mamahalin
wag ako

Hindi ko deserve ang isang tulad mo
Ikaw at ako ay hindi bagay sa mundo
Dahil ikaw...

Ikaw yung isa sa mga taong
di ko dapat gustuhin
Isa ka sa mga taong di ko
dapat mahalin
Dahil alam ko kung ano ang
tumatakbo sa utak mo
At alam ko kung gaano ka tuso
yang puso mo

Kaya pakiusap wag ako
Pumili ka na lang ng ibang tao
Dahil di mo alam kung paano
ako masaktan
Di mo alam ang aking kakayahan
Wag kang umibig ng isang tulad
kong manunula
Dahil kapag dumating sa puntong masaktan at lumuha
Lampas pa sa isang daang tula ang aking malilikha

Kaya pakiusap wag ako!

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now