Tula #41

1.4K 51 2
                                    

"Advance Kasi Akong Mag-isip Mahal"

'Yong araw na naging tayo
Ay ang araw na hinanda ko ang sarili ko
Sa mga bagay na may posibilidad
Na maaaring mangyari kahit
mahirap ipaliwanag.

Paano kung isang araw mag-iba
bigla ang takbo ng ating mundo?
Magiging okay pa kaya tayo?
Kung tayo'y naglalakad pasalungat
sa pag-ikot ng mundo.

Paano kung bigla kang magkagusto sa iba?
Paano kung hindi na ako ang dahilan
sa bawat pagngiti mo?

Paano kung hindi na pangalan ko ang nakaukit diyan sa puso mo?

Yung tipong ako na lang ang
kumakapit at humahawak sayo.
Habang ikaw ay nagpupumiglas na makawala sa kamay ko.

Paano kung isang araw
ipagpalit mo na ako?

Paano kung isang araw wala ka
na sa tabi ko?

Paano kung isang araw isang malungkot na alaala na lamang na nagkaroon ng tayo?

Paano kung isang araw magising tayo pareho sa bangungot na kahapon ng ating mundo?

Paano kung isang araw kakalimutan na natin ang lahat ng alaala na meron tayo?

Mahal, maraming tanong ang
nagsisimula sa paano.
Patawad kung nag-iisip ako ng ganito.
Tama ka mahal, advance lang talaga ako kung mag-isip.

Pero tandaan mo mahal na may dahilan kung bakit ako ganito.
Dahil kung minsan kailangan mo ring mag-isip ng mga posibilidad
Para kapag siya ay bumitaw agad
May proteksyon ka na't di tuluyang masaktan kung bumagsak.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenOnde as histórias ganham vida. Descobre agora