Tula #80

116 8 4
                                    

"Hindi Mabubura"

Gusto kong matulog nang maaga
Pero heto dilat pa rin ang mga mata
Sa tuwing ipinipikit ko, ikaw ang nakikita
Alam kong matagal na pero naaalala pa rin kita

Hindi ko alam kung ito ba ay parusa
Sa mga bagay na dati'y hindi ko nagawa
Inaamin ko namang nagkulang ako
Ganoonpaman, minahal kita ng totoo

Mahal, kailanma'y hindi kita sinisi
Kung ano man sa atin ang nangyari
Choice mong hindi mag-stay
Desisyon mo 'yon sa'yong sarili

Kaya sa pagkakataong ito,
Handa na akong magharap tayo
At para magkausap ng puso sa puso
Hindi para magbalikan kung 'di para magkalinawan

Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko
Kaya kahit masakit na tapos na tayo,
Hindi ako magtatanim ng galit sayo,
Dahil hindi mabubura ng galit ang masasayang alaala na dulot mo noong tayo pa.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now