Tula #16

4.1K 159 9
                                    

"TIWALANG NAWALA"

Tiwala.
Yun ang kaisa-isang bagay na
binigay ko para sayo.
Kahit may pagdududa.
Kahit di alam sa sarili
kung tama nga ba.
Kahit nagtatalo ang isip
at nararamdaman ko.
Ginawa ko.
Pinilit ko ang sarili ko.
Dinaya ko ang sarili ko.
Espesyal ka kasi sa
buhay ko.
Dahil ikaw ang unang taong
minahal ko.
Dahil tinanggap mo ako ng buo.
Dahil binigyan mo ako ng rason
para ipagpatuloy ang buhay ko.

Kaya nagtiwala ako.
Pinagkatiwalaan kita.
Naniwala ako sa isang salita
galing mismo sa bibig mo
'Pangako'
Iyon ang sinabi mo.

Pero...

Hindi ko inaasahan na ang
pagtitiwalang buo na
binigay ko para sayo
at ang pangakong
binitiwan mo ay
isang malaking
biro lamang
pala sa'yo.

Kaya mahirap ng magtiwala pa
Lalo na kung ang taong
pinagkatiwalaan mo
ay wala palang isang salita.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now