Tula #50

1K 27 12
                                    

"Baka Next Time"

Mahal, anong petsa na ba?
Anong buwan na?
Anong taon na?
At ilang oras na ba ang nagdaan?
Bakit hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagpaparamdam?

Akala ko ba kailangan mo lang ng space.
Akala ko ba gusto mo lang lumayo saglit.
Akala ko ba muli kang babalik.
Masakit lang isipin na puro akala lang ako.
Dahil ang totoo kinalimutan mo na talaga ako.

Andaya mo naman, mahal.
Una kang nag-move on samantalang
ako di pa rin makaahon
Lunod na lunod pa rin kasi ako sayo
Iyon ang dahilan kaya nasasaktan ako ngayon ng husto
Pero tanggap ko naman iyon, mahal
At gusto ko lang malaman mo na laging may next time

"At baka sa next time na iyon, maramdaman mo naman ang lahat ng sakit na naranasan ko sa loob ng ilang taon"

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now