Tula #60

781 26 3
                                    

Tula #60: "Kung Sakali"

Kung tuluyan ng bibilis ang
pag-ikot ng mundo
Kung sakaling hindi na makahanap
ng oras para makapag-usap tayo
Kung pareho tayong abala sa ibang
priorities kaysa sa relasyong 'to
Kung unti-unti ng binabalot ng lamig
ang puso natin pareho
At kung panay away na lamang tayo
Marahil panahon na siguro para itigil na
ang kung anong meron tayo
Wala ng rason para magpatuloy pa, mahal
Dahil ang pag-ibig nating pulido
ngayon ay tuluyan ng malabo
Wala na tayong magagawa mahal
Dahil hindi na natin maisasalba pa
Ang barkong papalubog na.

Iyon ay kung sakaling dumating tayo sa puntong ito, mahal.

-Roru

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now