Tula #39

1.4K 56 12
                                    

"Ayokong Bumalik Sa Dating Tayo"

Kung tatanungin mo ko
kung mahal pa kita,
Ang sagot ko'y hindi na.

Kung tatanungin mo ko kung
nakapag-move on na ako,
Diretso kitang sasagutin ng oo.

Kung tatanungin mo ko
kung may pag-asa pa,
Ang sagot ko'y malabo na.

Kung magmamakaawa kang
maging tayo ulit,
Please lang wag mo ng ipipilit.


Dahil kahit na ano pa ang gawin mo,
Hindi magbabago ang desisyon ko.
Pasensiya na mahal pero,
Sawa na ako.

Sawang-sawa na sa
kalokohan mo.
At pagod na rin sa mga
kasinungalingan mo.

Mahal,
Bilangin mo man ang tala
sa kalangitan
Pag-ibig ko sayo'y hindi na madudugtungan.

Unti-unti ka ng nawawalan
ng parte sa buhay ko

Ayoko na sayo


At ayoko ng bumalik pa
sa dating tayo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now