Tula #38

1.5K 59 16
                                    

"Pansaman-TANGA"

Inaamin kong bobo ako.
Inaamin kong mahina ako.
Inaamin kong tanga ako pagdating sayo.
Pero hindi ibig sabihin nun
Na hindi kita kayang palitan
Dahil kahit na mahal pa kita
Kung palagi mo kong pinapaasa
Pipilitin kung kalimutan ka
Mahal tandaan mo,
Lahat ng puno ay nalalagas ang dahon
Katulad ng pag-ibig ko sayo,
Maglalaho rin pagdating ng
takdang panahon
Pero sa ngayon, magiging
pansaman-tanga muna.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now