Tula #63

743 19 4
                                    

Tula #63: Dating Ako

Kung may gusto man akong balikan,
Iyon ay ang dating ako at hindi ikaw
Yung mga panahong kinakaya ko pang mag isa
Yung mga panahong wala pa kong nararamdaman na kakaiba
Yung mga panahong ibang bagay pa ang sa akin ay nagpapasaya
Yung mga panahong hindi ko pa alam kung gaano kasakit lumuha
At  higit sa lahat, yung mga panahong hindi pa tayo pinagtagpo ng tadhana
Gusto kong bumalik sa dating ako, mahal.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now