Tula #9

5.6K 207 16
                                    

"WAKAS"

Saksi ang buwan at mga bituin
noong gabing naging tayo.

Ang maliliit na huni ng mga kuliglig
na naging awit ng pag-ibig.

Ang malamig na hanging dumadampi
sa balat nating dalawa na pilit
nilalabanan ng init ng ating katawan.

At ang malakas na pintig ng puso ko
habang hawak-hawak ang kamay mo.

Ikaw ang napakagandang gabi na lagi
kong hinihintay at inaabangan.

Pero tulad ng gabi....

Lahat ay lilipas.
Lahat may wakas,
pagsapit ng bagong bukas.

-Kuroru

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now