Tula #35

1.8K 52 16
                                    

"Tama O Mali?"

Kailan ba nagiging tama ang mali?
At kailan ba nagiging mali ang tama?

Tama ba ako dahil pinili kong
mahalin siya?

Dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo alam kong sa kanya lang ako sasaya.
Na kahit ilayo ko pa ang sarili ko ay may pwersang humahatak sa akin
pabalik sa kanya.

Na kahit ilang masasakit na salita ang lumabas sa bibig ng iba ay nagbibingi-bingihan at nagpipikit mata.

At kahit ilang agwat ng edad pa ang pagitan ay wala akong pakialam
Basta't alam ko na siya at ako ay iisa ang sinasabi at nararamdaman ng puso.

Pero tama nga ba talaga ako?
O baka tama sila sa maling
desisyon na ginawa ko.

Mali bang mahalin siya dahil sa iyon
ang nakikita ng iba?

Mali ba ako dahil walang may gusto sa kung anong relasyon ang mayroon kaming dalawa?

Mali ba ako dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya?

O mali ako dahil sinakyan ko ang mapaglarong tadhana?

Kailan ba naging mali ang magmahal?
Kailan ba nagkaroon ng sukatan
ang pag-ibig?

Kailan ba nagkaroon ng karapatan ang iba na makialam sa desisyon at plano ko?

Kailan ba sila naging parte sa
aming kwento?

Ayoko ng sumunod sa sinasabi nila
Pagod na ako sa kaka-adjust

Hindi ko rin sinasabi na sila
dapat ang mag-adjust

Ang gusto ko lang ay pag-unawa
at pagtanggap

Dahil minsan kahit imposible pang mahulog ang lupa sa kalangitan
Nangyayari pa rin sa di maipaliwanag
na dahilan

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now