Tula #72

220 15 4
                                    

"Naiinis Ako"

naiinis ako sa tuwing
binabanggit mo ang pangalan
ko sa ibang tao

naiinis ako sa tuwing
pinagmamalaki mo
bawat achievements ko

naiinis ako sa tuwing
nginingitian mo ako

naiinis ako kapag
naka-tag ako sa mga posts mo

naiinis ako kapag
may message galing sa'yo

naiinis din ako sa tuwing
kinukulit mo ako

naiinis ako kapag tinatawagan
mo ako

naiinis ako kapag nagseselfie
ka sa phone ko

pero mas naiinis ako sa
katotohanang walang tayo

dahil may harang sa pagitan
nating tatlo

at ayokong humakbang
palapit sa'yo dahil alam kong
siya ang mundo mo at hindi ako.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon