Tula #66

507 18 2
                                    

Tula #66: "Tapos Na Tayo Mahal"

"Gusto kitang isayaw nang mabagal"
Iyon ang sabi sa linya ng kanta
Ginawa ko na rin 'yon dati pa
Pero bakit gano'n mahal?
Sinayaw na kita nang mabagal
Tayong dalawa lang doon ang tumagal
Pilit nating sinusundan ang ritmo ng kanta
Saksi ang maraming tao sa nararamdaman natin sa isa't isa
Habang mga kamay natin ay pilit na pinag-iisa
Pero kanta at hakbang lang natin ang mabagal
Gano'n pa rin ang takbo ng oras
Hanggang sa nagising tayong dalawa
Na magkahiwalay na sa isa't isa
At doon ko napagtanto na tapos na tayo
Bilis ng oras, mahal
Hindi ko namalayan na tuluyan mo na pala akong iniwan
Wala ng tayo, mahal
Tapos na tayo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now