Tula #79

94 5 3
                                    

"Kasi Mahal Kita"

Mahal, malaya ka na sa responsibilidad
mo para sa kin,
Pero yung responsibilidad ko sayo
nanatili pa rin,
Pero ayoko naman magpakababa
para ika'y pilitin,
Dahil kung talagang ayaw mo
na sa 'kin,
Kung talagang hindi ka na masaya,
Kung talagang pagod ka na,
Kung talagang hindi mo na kaya,
Hahayaan kitang maghanap ng iba,
Hahayaan kitang kumawala,
Hahayaan kitang mapunta sa
taong tama,

Masakit, oo.
Dahil di natin natupad ang
ating pangako.
Pero masasanay rin siguro ako
Hangad ko rin naman ang kasiyahan mo
Kahit pa ikadurog ko
Kasi mahal kita
At hinding-hindi 'yon mawawala.

-RoRu💔

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now