Tula #21

2.9K 93 22
                                    

Tipo Ko Na Naging Tipo Ng Iba

Ikaw yung tipo na sobrang bait.
Kaya kahit lapitan ka ng iba di mo
pa rin kayang mag-reject.

Ikaw yung tipo na sobrang sweet.
Kaya kahit di mo kakilala,
nagmamalasakit ka.

Ikaw yung tipo na sobrang daldal.
Kaya kahit sinong taong katabi mo kinakausap mo.

Ikaw yung tipo na sobrang lakas tumawa.
Kaya isang halakhak mo lang
nahahawa na sila.

Ikaw yung tipo ng tao na 'tipo ko'.
Pero hinayaan mong maging
'tipo ka ng iba'

Kaya heto tayo ngayon,
unti-unting nagkakalabuan.
At sa ating dalawa, ako ang labis
na nasasaktan.

Dahil....

Ramdam ko.
Pansin ko.
Na unti-unting niyang inaagaw
ang papel ko diyan sa
puso mo.

Bakit kasi sa lahat ng tao ikaw pa
yung natipuhan ko?
Bakit sa lahat ng tao sayo pa
ako nabaliw ng husto?
Kung pwede ko lang palitan ang
pangalan mo sa puso ko, ginawa ko.
Pero hindi ganun kadali.
Dahil tanging pangalan mo ang
nakaukit at itinitibok ng puso ko.

At hanggang ngayon..
Tipo pa rin kita
Kahit na wala na tayong dalawa
At naging tipo ka na rin ng iba.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now