Tula #17

3.8K 107 10
                                    

"MAGHIHINTAY"


Malapit nang dumilim
pero ako heto nakaupo pa rin.
Sa dati nating lugar
kung saan nagsimula ang lahat.
Ang kwento nating dalawa
na puno ng lungkot
at masasayang alaala.
Na hindi ko magawang bitawan
o kalimutan man lang.

Kaya ngayon nandito ako.
Naghihintay sa pagdating mo.
Umaasang maitatama ko pa ang lahat.
Kaya ako na ang hihingi ng tawad.
Ako na ang gagawa ng paraan.
Ako na ang iintindi.
Ako na ang mag-aadjust.

Kaya sana naman,
dumating ka sa ating tagpuan.
Hihintayin kita.
Dahil iyon na lang ang huli
kong magagawa.
Bago pa tuluyang maglaho
ang natitirang pag-asa na mayroon ako.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now