Tula #61

688 19 1
                                    

Tula #61: Paano ba wawakasan?

Kahit minsan hindi kita sinisi
Kahit minsan hindi kita sinumbatan
Kahit minsan hindi kita niloko
Kahit minsan hindi kita pinagpalit
Kahit na ikaw, palagi mo kong sinasaktan
At harap harapang pinamumukha na mayroong iba
Na para bang sawang sawa ka na
Kaya ko naman indahin lahat ng pinaggagawa mo, mahal
Nagbabakasali kasi akong mapapagod at magigising ka
Pero paulit ulit mo kong sinasampal sa katotohanan
Dahil naging rotina na ang ganun klaseng eksena
Hanggang kailan nga ba ako magpapakatanga sayo?
Napapagod na kasi ako
Pagod na pagod na ako
Gusto kong lagyan ng harang ang puso ko
Ayoko ng mahalin ang tulad mo
Pero hindi ko naman alam paano wawakasan.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon