Tula #20

3K 109 23
                                    

"Ano Mo Ba Talaga Ako?"

"Mahal Kita"
Ilang beses ko ng narinig ang
mga salitang iyan mula sayo.
Paulit-ulit.
Araw-araw.
Oras-oras.

Alam ko naman na mahal
mo ako.
Hindi kita pinagdudahan
dahil sigurado ako.
Kitang-kita at nararamdaman
ko iyon ng buo.

Kaso may pero...

May malaking pero sa
pagmamahal
na pinapakita mo.
Ang kaya mo lang
ay ang mahalin ako.

Pero bakit hindi mo kayang
ipaglaban at panindigan
ang relasyong meron tayo
Sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo
at sa harap ng ibang tao?

Kaya bago magtapos ang tulang ito,
May huling tanong akong ibabato sayo.
Ano ba talaga ako sayo?
Syota mo?
Kaibigan mo?
Isang estranghero?
O baka naman isang dakilang rebound lang sa buhay mo?

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now