Tula #48

1.1K 34 13
                                    

'Di pa Tapos

Puso ko'y nababalot ng hiwa't sugat
Pagod na ring idilat ang mga talukap
Hindi pa rin naaalis sa damdamin
ang bigat.
Sariwa pa rin kasi sa isip ko ang lahat.
Sabi mo walang iwanan.
Sabi mo kahit mahirap atin pa ring ipaglalaban.
Sabi mo kung may problema dapat agapan.

Ang tanga ko dahil nakinig ako.
Ang tanga ko dahil lahat ng iyon
sineryoso ko.
Ang tanga ko dahil umasa ako sa
pangako mo.
Kaya ngayon nahihirapan ako sa pagkawala mo.

Ba't ang sakit-sakit mong mahalin mahal?

"Tapos na tayo pero di pa rin ako tapos sa pagmamahal sayo"

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon