Tula #67

269 18 4
                                    

Tula #67: "Marupok Pa Rin Ako Mahal"

Sa pagdaan ng buwan at taon
Akala ko tuluyan na akong nakaahon
Mula sa pagkakabaon
Sa puso mong napapaligiran ng mga alon.

Pero isang araw nagtagpo tayo,
Distansya sa pagitan natin ay isang metro
Ngumiti ka at tinawag ang pangalan ko
At muling lumakas ang pintig ng puso ko.

Kumaway ako at ngumiti pabalik
Pilit na tinatago ang sakit sa dibdib
Nakahawak kasi siya at dinampian ka ng halik
Kaya dibdib ko'y unti-unting sumikip.

Bago pa bumagsak ang luha sa
mga mata ko,
Lumihis na ng daan at tuluyang lumiko
Dahil mahal ang totoo inaamin ko,
Na marupok pa rin ako pagdating sayo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now