Tula #52

887 30 1
                                    

"Napaka-insensitive mo, Mahal"

Sa bawat segundo,
Sa bawat minuto,
At sa bawat oras na lumilipas,
Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking mga talukap?
Hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak
Yung sakit na para kang sinasaksak
At hindi mo mahanap yung natatanging lunas
Lunas para mapawi ang sakit
Lunas para maibsan ang galit
Lunas sa isip para tuluyan kang mawaglit.

Paano pa ba ako tatayo?
Kung durog na ang puso
At paa ko'y tuluyan mo pang nilumpo
Sana hindi na lang kita minahal ng buo
Para naman may natira pa sa sarili ko
Kung dati pinangarap kong mahalin ka
Ngayon nagsisisi ako kung bakit ikaw pa
Alam mo bang mas pinili kita kaysa sa kanya mahal?
Pero ayos lang dahil tanggap ko naman
Na sa storyang sinimulan nating dalawa
Ay ako lang pala ang tatapos mag-isa
Napaka-insensitive mo kasi mahal.

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now