Tula #25

2.6K 89 11
                                    

"May Katapusan"

Nagsimula tayo bilang sweet na magkasintahan
Magkawak ang kamay,
Kung saan-saan gumagala't tumatambay,
Kumakain ng sabay,
At kung minsan pa ay nagbabahagi ng kuwento ng ating buhay,
Akala ko tuloy-tuloy na
Akala ko okay na
Akala ko walang problema

Pero napansin ko...
Ang panlalamig at ang unti-unti
mong pagbabago
Na di ko alam kung saan patutungo
Kung mauuwi ba sa matinding awayan
O basta-bastang magtatapos sa hiwalayan
At sa ating dalawa,
Alam kong ikaw ang may problema

Tinuring mo kong distraksyon sa lahat ng ginagawa mo
Tinuring mo kong failure sa dapat na magiging achievements mo
Isa ba talaga akong istorbo sa buhay mo?
Mahal, syota mo ako at hindi lamang ibang tao

Pero sa nakikita ko...
Mas nag-enjoy ka pa sa mga kaibigan mo
Kaysa makasama ako
Kaysa makausap ako
Ni minsan ba tinanong mo kung ok lang ako?

Mahal, pagod na ako.
Napapagod na ako sa pagwawalang kibo mo.
Pagod na pagod na ako sa pagwawalang-bahala mo.

Mahal, hindi sa lahat ng oras
Ako lang ang mag-aadjust
Ako lang ang hihingi ng tawad
At ako lang ang magpapaliwanag
Nakakalimutan mo yatang tao rin ako
Na may pusong kayang makiramdam
Lalo na kung paulit-ulit mong sinasaktan
Hindi kasi ako robot,
Na kaya mong pasunurin sa lahat ng gusto mo
Na kayang magtiis sa ugali at luho mo
Mahal, yung pagmamahal at pasensiya
ko para sayo
Ay parang teleserye na Ang Probinsiyano
Tunay at mahaba man
Pero alam kong may katapusan.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now