Tula #49

1K 39 12
                                    

"Magkaibigang Nagka-ibigan"

Noon pa lang sinabi ko na sa sarili ko
Na ikaw at ako ay hanggang magkaibigan lang
Kaya pinilit kong wag ma-attach sayo
Dumidistansiya ng bahagya kahit papano
Hindi nag-iisip ng kung anu-ano
Nakikisabay lang sa trip mo
Sinasamahan ka sa lugar na papasyalan mo

Pero sa paglipas ng buwan at araw,
Napansin kong concern na ako sayo
Naging overprotective na rin ako masyado
At kung minsan pa'y naiinis sa mga pinaggagawa mo
Hanggang isang araw napagtanto ko
Na unti-unti na kong nahuhulog sayo

Palihim kitang minahal kahit bawal
Palihim din akong nasasaktan ng hindi mo alam
Bawat pagtitig mo umiiwas na ako
Hindi na kasi kaibigan ang tingin ko sayo
Kundi ibang tao na natitipuhan ko

May mga pagkakataong nagseselos ako
Lalo na kapag iba ang kasama mo
Kaya napilitan akong sabihin sayo ang nararamdaman ko
At tinanggap mo naman ito ng buong-buo
Sinuklian mo ang pagmamahal na binibigay ko
Kaso parang may mali....

Pansin kong nagkaka-ilangan na tayo
Nahihirapan na tayo pareho
Siguro nga mahirap talagang mag adjust
Sa kung panong ang dating matalik na magkaibigan ay biglang magkaka-ibigan.

"Minadali natin ang lahat mahal, kaya siguro hindi tayo tumagal"

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now