Tula #82

116 3 0
                                    

"Malaya Ka Na"

Hiningi mo sa 'king palayain ka
Kasi hindi ka na masaya
Kasi may nag-iba na
Kasi napagod ka na
Kaya kahit lalaban pa sana
ay wala na akong nagawa.

Ikaw ang sumuko,
Ako ang nagpalaya
Ginawa ko 'yon dahil mahal kita
At ayokong madurog ka na ako ang kasama

Kaya sana ngayong malaya ka na
Mahanap mo sana ang tunay na saya
Dahil hindi ako 'yong tao na sanay umasa
Pinalaya kita pero 'di ibig sabihin no'n na may babalikan ka pa.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now