Tula #76

142 12 4
                                    

"Binuo Kita Pero Winasak Mo 'Ko"

Buo ako nang
matagpuan kita,
Ikaw na pinagsakluban ng langit at lupa
Kita kong napapalibutan ka ng
maitim na awra,
Na dulot ng pagkabigo at pagdurusa
At kahit na ilihim mo ang dahilan,
alam kong siya.

Magandang pagmasdan ang
mga ngiti mo,
Gusto ko 'yong lutong sa
bawat pagtawa mo,
Kahit sa simpleng pagsasalita mo
ay kinikilig ako,
Lalo na kapag binabanggit mo
ang pangalan ko,
At dahil nga marupok ako kaya diretsong nahulog sayo.

Nagdalawang isip pa akong
magtapat sa'yo,
Ayokong isipin mong sinamantala ko
ang paghihiwalay niyo,
Kaya pinigilan ko ang sarili ko,
Alam kong sariwa pa ang sugat
diyan sa puso mo,
Kaya naghintay akong maghilom
ka ng husto.

Sa pagdaan ng araw,linggo at buwan,
Nanatiling ikaw ang nasa isipan,
Kapag kasama mo ko'y labis
ang iyong kasiyahan,
Kaya nagdesisyon akong
magtapat ng lubusan
Pero ang kabang naramdaman
ay unti-unting napalitan ng sakit at kalungkutan,
Nang marinig ko ang mga katagang,
"Gusto kita pero bilang kaibigan."

Alam kong wala akong karapatang
magalit sa'yo,
Dahil nagsasabi ka lang ng totoo
Pero masisisi mo ba ako?
Mali bang masaktan ako?
Sa katotohanan na matapos kitang binuo
Ako naman ang tuluyang winasak mo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon