Tula #71

335 20 5
                                    

"Salamat Sa Pagmamahal"

Nagsimula ang lahat sa isang simpleng kaganapan

Sa facebook nagkakilala hanggang sa naging mag-kaibigan

Nagpagaanan ng loob hanggang numero'y nagpalitan

At humantong ang lahat sa pagiging magkasintahan.

Naging maayos naman ang takbo ng
ating relasyon

Akala ko tuloy tuloy na at
walang distraksyon

Pero sa pagdaan ng ilang buwan humina ang koneksyon

Unti-unting nagkalabuan at
nawalan ng atensyon

Dumating din yung araw na
nag-away tayo

Nagbatuhan ng salita na
masakit sa puso

Luha sa mga mata'y kusa na
lamang tumulo

Pagkat di na maisasalba pa ang relasyong gumuho.

Salamat sa pagmamahal
na binigay at pinaramdam mo

Hindi ko makakalimutan na naging parte ka ng buhay ko

Pero sa ngayon ayoko munang buksan ang puso ko

Dahil kailangan ko pang hanapin at buoin muli ang sarili ko.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now