Tula #19

3.4K 120 84
                                    

"Walang Halaga"

Habang sinusulat ko ang tulang ito,
Bigla ka na lang sumagi sa isip ko
Hindi ko alam kung bakit o paano
Miss ka na nga kaya ng puso't isip ko?

Sa tuwing binabalikan ko ang mga alaala
Ng kahapon na tayo'y magkasama
Hindi ko maiwasang mapangiti
ng mapakla
Dahil alam kung di na muling
maibabalik pa.

Ilang beses kong tinanong ang aking sarili
Kung bakit ka lumisan ng walang pasabi
Nagkulang ba ako sa 'yo binibini?
O nagpauto ka lang sa ibang lalaki?

Pero sino ba naman ako para pigilan ka?
Boyfriend mo lang naman ako at
hindi asawa
Pinanghahawakan ko lang ang
relasyon nating dalawa
Kaya kong naghanap ka ng iba,
wala na kong magagawa.

Hawak ko ang puso mo pero
hindi ang utak mo
O maaaring hawak ko ang utak mo
pero hindi ang puso mo
Alin man sa dalawa hindi ko
nais malaman pa
Dahil kung ako'y mahalaga,
hindi ka na sana naghanap pa ng iba.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now