Tula #43

1.1K 42 10
                                    

"Pareho Tayong Tanga"

Mahal?
Kamusta?
Alam mo marami akong
tanong para sayo.
Pero hindi ko naman kayang sabihin
sa harapan mo.
Kaya dinaan ko na lamang sa
pagsusulat ang lahat.
Nagbabakasaling maibsan ng kahit
konti ang bigat
Kaya heto ako ngayon nagsasayang ng papel at tintang pansulat.

Mahal,
Ano pa ba ang kailangan kong gawin?
Ganun ba talaga kahirap  sayo
na ako'y pansinin?
Kailan mo ba ako kakausapin?
Na kahit isang simpleng salita
lang ng 'good morning'
Ay sapat na para sa 'kin

Saan ba ako nagkulang?
O mas dapat ko bang sabihin na ikaw ang may pagkukulang.
Bakit siya pa rin?
Andito naman ako na handa
kang mahalin.
Andito naman ako na handang
sumubok para ika'y pasayahin.
Pero ano bang magagawa ko?
Kung sa paglipas ng panahon siya pa rin ang laman ng puso't isip mo.

Mahal,
Binulag ka ng pag-ibig mo sa kanya.
Nabulag rin ako ng pagmamahal
ko para sa'yo.
Pareho lang tayong tanga.
Tanga sa paghihintay ng taong di naman tayo binibigyan ng kahit konting halaga.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now