Tula #44

1.1K 32 6
                                    

"Kuwento Nating Naging Tula"

Simula pa lang alam mo na
ang kakayahan ko
Mahilig akong gumawa ng
iba't ibang kwento
Sa ganitong paraan kasi napapakalma
ko ang sarili ko
Sa larangan ng pagsusulat nahumaling ako

Hanggang sa isang araw dumating
ka sa buhay ko
Sinakyan mo ang mapaglarong tadhana at ang mabilis na pag-ikot ng mundo
Wala naman talaga akong planong mahulog sayo
Pero sadyang mahirap kalabanin ang gravity ng mundo
Hinahatak ako nito palapit sayo
Palapit sa lumiliyab na apoy na nakakapaso
Kaya natupok ng apoy mo ang buong pagkatao ko
At pati ang puso ko ay lubhang apektado.

Mahal,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako baldado.
Ikaw ang dahilan ng unti-unti kong pagbabago.
Ikaw ang dahilan kung bakit di ko na kayang magsulat pa ng kuwento.
Pinaglaruan mo't minanipula ang puso't isip ko
Kaya humantong sa ganito at naging komplikado.

Mahal, ikaw ang dahilan ng
aking pagkakasumpa.
Ang kwento nating dalawa ang
puno't dulo ng lahat.
At iyon ang huling kwentong
aking nagawa.
Dahil ang hilig ko sa pagsusulat ng
kwento ay tuluyan ng nawala
At natipuhan ang pagkakatugma at paglapat ng mga salita
Hanggang sa makabuo ng isang makabuluhang tula
Tulang hango sa pag-ibig nating mapakla
Mahal, ito ang kuwento nating naging tula.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now