Tula #40

1.3K 64 11
                                    

"BABAE KA KASI"

Babae ka hindi bola na pwedeng paglaruan at pagpasa-pasahan.

Babae ka hindi papel na binabasura
lang kapag di na kailangan.

Babae ka hindi panyo na pampunas
luha lamang.

Babae ka hindi cellphone na pinapansin lang kapag wala ng ibang mapaglibangan.

Babae ka hindi napkin na panakip
butas lamang.

Babae ka hindi dekorasyon na
ginagawang palamuti lamang.

Babae ka hindi bangka na sunud-
sunuran sa gusto niya.

Babae ka hindi trumpo na
pinapaikot lamang.

Babae ka hindi pagkain na kapag busog na siya ay basta-basta kana lamang isusuka.

Babae ka hindi halaman na hindi
umiimik kapag nasasaktan.

Babae ka hindi kumot na nagsisilbing pampainit lamang ng katawan.

Babae ka hindi ulam na kapag natikman at di nagustuhan ay bigla-biglang iniiwan.

At lalong hindi ka kahoy na kapag nasibak na't napakinabangan ay parang abo na itatabi na lamang.

Babae ka kasi hindi dapat pinaglalaruan kundi minahamal.

Hindi dapat binabasura dahil
sobrang mahalaga.

Hindi dapat sinasamantala
dapat ay inaalagaan pa.

Para ka kasing pera na may
kwenta at halaga.

At hindi dapat winawaldas basta-basta
Ganun kasi dapat.

BABAE KA KASI....

At isa yun sa mga bagay na hindi maiintindihan at kung minsan pa'y nakakalimutan naming mga lalaki.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now