Tula #78

101 5 0
                                    

"Mahal Kita Kahit Ipinagdarasal Mo Siya"

Gusto ko maging tayong dalawa
Gusto kong mapansin mo ang
pag-ibig ko sinta
Gusto ko sanang gawin ang mga
bagay na kasama ka
At sabay nating abutin ang pangarap
nating dalawa
Pero hindi ko alam kung kampi
ba sa 'kin ang tadhana
O 'yong oras at pagkakataon
ang ayaw magtugma

Basta ang alam ko mahal kita at ipinagdarasal kita
Araw-araw at gabi-gabi ko iyong ginagawa
Pero pareho nga ba tayo ng gustong mangyari sinta?
Baka kasi habang ipinagdarasal kita, tahimik mong ipinagdarasal siya
Ipinagdarasal na magtugma ang
landas niyong dalawa
Dahil nakikita mo ang mundo mo sa kanya
Nakikita mo ang sarili mo na kasama siya
Kaya di ko alam kung matutupad pa ba
Basta mamahalin na lang kita
hanggat kaya ko pa

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now