Tula #29

2K 63 16
                                    

"May Isang Ako"

Gusto na kita dati pa
Mahal na kita dati pa
Ako ang nauna bago pa nagkaroon ng siya
Bago pa nagkaroon ng pagitan
sa ating dalawa
Bago pa naging komplikado
ang ating storya
Bago pa nagkaproblema
ang ating pagsasama

Mahal, may minsan ng ako
Na gumagabay lagi sa tabi mo
Na pumapawi ng problema at nagpapasaya sayo
Na lihim na pinagmamasdan ang
bawat pagngiti mo

Mahal, ikaw ay isang tala
Na gabi-gabi kong tinitingala
Kahit malayo ka dinudungaw sa bintana
Ilang milya man ang pagitan
ay di alintana

Mahal, nararamdaman at
napapansin mo ba?
Ang ginagawa ko ay para lang sayo sinta
Akala ko okay tayo pero bakit nagkaproblema?
Nawala lang ako sa tabi mo
may nangahas ng iba?

Kasalan mo mahal kung bakit tayo ganito
Humantong sa hiwalayan at
ikaw ay lumayo
Ikaw ang tala ko pero hinayaan mong masungkit ka ng iba
Wala ng tanglaw ang bawat gabi ko
Dahil natatakpan na ng maitim na ulap ang pagitan ng ating mundo

Kaya kahit wala ng tayo
Sana matandaan mo mahal na
May isang "AKO" sa buhay mo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon