Tula #23

2.7K 104 24
                                    

"Mamahalin Ulit Kita Kapag
Deserve Mo Na"

May gusto ako sayo, dati.
Baliw ako sayo, dati.
Tanga ako pagdating sayo, dati.
Pero sa isang iglap lahat ay nagbago.

Dahil simula noong saktan mo ang inosenteng puso ko.
Nagdesisyon akong baguhin ang
sarili ko.
Hindi para sayo.
Hindi para sa kanila.
Kundi para sa akin.

Kaya sana maintindihan mo rin.
Kung yung dating may gusto sayo
ngayo'y wala na.
Yung dating baliw sayo
ngayo'y hindi na.
Yung dating tanga sayo
ngayo'y mautak na.

Pero kung lahat ng ito ay
panandalian lamang
At kusang bumalik ang aking nararamdaman
Wala na kong magagawa
Pero hangga't kaya ko pa
Papanindigan ko ang aking
mga salita
Na mamahalin ulit kita
Kapag deserve mo na.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now