Tula #31

2K 71 35
                                    

"Pag-ibig Kong Nabigo"

Tingin sa mga mata na may nais iparating
Nakatikom na bibig na may gustong sabihin
Tibok ng puso na may matinding damdamin
Sinisinta ko, kailan ka magiging akin?

Bawat letra at salita ay kinakabisado
Upang maituwid ang pagtatapat sa iyo
Ng aking pag-ibig kahit na kabado
Hiling ko sana'y tanggapin mo ito ng buo.

Araw ay mabilis at kusang lumipas
Pag-ibig ko sayo'y di kailanman kukupas
Ako kaya sa iyo'y may pag-asang makaalpas?
O hayaan lang sa tuwina hanggang tuluyang maagnas.

Nung ako'y nagdesisyon na sayo'y magtapat
Mga mata ko'y nabigla't tuluyang napamulagat
Siya at ikaw ay magkahawak, magkaharap
Mata niyo'y nakapikit, mga labi ay magkalapat

Puso ay nasaktan at mundo ko'y gumuho
Nabalot ng lungkot sa sobrang pagkabigo
Pero batid kong ito ay maglalaho
At sa araw na iyon wala ka na sa 'king puso.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon