Tula #68

267 13 0
                                    

Tula #68: "Magiging Okay Rin Ang Lahat, Mahal"

Mahal kumusta ka na?
Para sa'yo nga pala itong aking tula
Sumagi ka kasi sa isip ko bigla
Kaya nabuo ang mga letra't salita.

Uulitin ko muli ang tanong ko.
Maayos pa ba ang kalagayan mo?
Kung ako ang tatanungin ay okay naman ako
Kakayanin ang lahat sa kabila ng unos na hatid mo.

Wag kang mag-alala dahil kaya ko pa
Kaya ko pang makipagbugnuan sa agos ng buhay
Kaya ko pang ngumiti sa kabila ng lumbay
Kaya ko pang magpakatatag kahit walang nakaalalay
Kaya ko pang huminga kahit puso ko'y minsan mo nang pinatay.

Ginawa ko ito hindi para manumbat
Kundi para ipaalam sa'yo na...

Kahit hindi pa naghihilom ang lahat ng sugat,
Alam kong magiging okay rin ang lahat
Mahahanap mo ang taong nararapat para sa'yo
Darating din ang taong inilaan para sa katulad ko.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora