Tula #34

1.8K 62 9
                                    

"Tayo ay Tula"

Mahal,
Ikaw ang dahilan sa bawat tula
na ginagawa ko
Ikaw ang dahilan sa bawat titik at letra
na kusang nabubuo sa utak ko
Ikaw ang dahilan ng pagkawasak
at aking pagkabigo
At hanggang ngayon ay patuloy pa rin
sa pagdurugo
Ang mga sugat ng kahapon na hindi
pa tuluyang naghihilom
Patuloy pa ring bumabaon at dumudurog sa aking puso
Ang kalimutan ka ay hindi ko magagawa
Hindi kasi ako kasing tapang ng iba
dahil ako'y mahina
Di magaling magsalita tanging paglikha lamang ng tula
Kayang magdagdag ng mabulaklak
na salita
Kaya ring dumurog at kayang magpaluha
Nabuhayan ang loob naging tunay
na makata

Mahal,
Ikaw at ako ay maihahalintulad ko
sa isang tula
Tula na sumasalamin sa pag-ibig
nating mapakla
Tula na nalikha at maglalaho rin bigla
Dahil ikaw at ako mahal,
Tayong dalawa ay isang ganap na tula
Tula na kailanma'y hinding-hindi magtutugma
Tayo ay pinagsama lang pero hindi nakatadhana
Mahal, tayong dalawa ay tulang malaya.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now