Tula #18

3.6K 120 29
                                    

PWEDE BA?

Matagal na akong may gusto sayo.
Naghahanap lang ako ng tiyempo
Dahil nauutal ako,
Kapag magkausap na tayo.

Pinili kong tumahimik
Kahit puso ko'y sumisikip.

Sinubukang maging manhid
Kahit na mahal kita ng labis.

Pinagtabuyan kita.
Dahil sa mas matimbang ang
pagmamahal mo sa kanya

Pinaubaya kita.
Sa pag-aakalang pasasayahin
at aalagaan ka niya.

Pero mali ako.
Maling-mali ako.
Dahil ang desisyong nagawa ko
Ang siyang pinagsisisihan ko.

Lagi ka niyang sinasaktan
Pero nagagawa mo pa ring
magtanga-tangahan.

Hanggang kailan ka ba mapapagod
sa pagmamahal sa kanya?
Hanggang saan ba ang taning
ng iyong pasensiya?

Hindi ka pa ba susuko?
Hindi ka pa ba tatayo?
Lugmok na lugmok ka na.

Awang-awa na ako sayo.
Pero mas awang-awa ako sa sarili ko.
Kaya sana mapatawad mo ako
sa gagawin ko.
Buo na ang desisyong kong
Bawiin ka mula sa kanya.

Pwede bang ako naman
ang piliin mo ngayon?

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon