Tula #26

2.4K 87 30
                                    

"Nasa Playlist Mo Lang"

Kung mayroon mang bagay na maglalarawan sa ating dalawa
Iyon ay cellphone at kanta
Ikaw yung nagsisilbing cellphone at syempre ako ang kanta

Ikaw yung cellphone na
kinaiinggitan ng iba
Ikaw yung cellphone na
hindi basta-basta nakukuha
Ikaw yung cellphone na
pinapangarap nila
Itsura mo pa lang kasi tinitingala na
At ang iba pa'y lihim na
pinagmamasdan ka
Para kang iphone X sa mga kumikislap na mata nila

At ako?
Isang hamak lamang na kanta
Na nagpapagaan ng loob mo
kapag may dinadala ka
Na handang dumamay sayo
kapag may problema ka
Ako'y isa sa mga taong gusto
kang mapasaya
Isa sa mga taong gusto kang makasama
At isa sa mga taong patuloy na umaasa

Ilang gigabytes ba yang puso mo?
Kasya ba ang isang daang tao sa laki ng espasyo?
Bakit hindi ko masakop kahit na anong gawin ko?
Bakit hindi mo magawang mapansin kahit na anong subok ko?

Oo nga pala nakalimutan ko
Kilobyte nga lang pala ako sa memory card na nagsisilbing puso mo
Isang maliit na parte lamang sa napakalaking espasyo
Kaya kahit anong pilit pa ang gawin ko
Hinding-hindi kita maaangkin ng buo

Magaan lang kasi ako
Madaling tanggalin at ipasa sa ibang tao
Isa lang din ako sa mga options mo
Isa sa ilang daang kanta na nasa playlist mo
Isa lamang sa mga kantang tahimik na nakapila
At ang pinakamasakit ay yung katotohanan na....

Isang kanta lamang ako sa list mo
At kahit kailan wala kang planong i-play ako
Nasa playlist mo lang ako
At wala kang planong pansinin at pakinggan ako.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now