<3 Chapter 42

6.4K 126 30
                                    

Inoue’s POV_

 

Pagpasok ko sa school hindi ko alam kung bakit nagtatakbohan ang mga studyante sa isang lugar at iyon ay walang iba kundi sa clinic.

“Inoue, buti nandito ka na” Hingal na sabi saken ni Taki.

“Teka teka anong nangyayare dito?” Tumabi kaming dalawa ni Taki kasi tudo takbohan pa rin ang mga ibang studyante papasok ng clinic. Nanlaki ng mga mata ko ng may makita akong lalaking dugoan pinasok sa clinic.

“Taki ano bang nangyayare dito ha?” Kinakabahan na talaga ako.

“Meron bagong transfer student dito na dumating at siya ang  may gawa niyan, nakakatakot siya Inoue” Pagpapaliwanag ni Taki. Nakikita ko sa mga mata niya na takot nga talaga siya.

“Mas nakakatakot pa kay Black Heart?” Agad na tumango si Taki. Oh My Totoo ba ito? May naka break na ng record ni Black Heart dito sa school, bilang isang most scariest person in the University.

“Kaya nga tara na umuwi na tayo” Hinila ako ni Taki palabas sana ng campus pero napatigil ako sa paghakbang ng biglang marinig kong may sumigaw na..

“Who’s BLACK HEART! ILABAS NIYO SIYA!!”   Napalingon kaming dalawa ni Taki sa sumigaw agad ako binulongan ni Taki, na siya iyong transfer student. Napalunok kaming pareho sa takot. Parehas namin inilabas ang panyo ng isa’t isa at pinunas sa mga noo namin.

“BLAAAACKK HEAAART!!!” Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng sigaw niya. Okay e dedescribe ko kung anong itsura ng lalakeng ‘to. singkit ang mga mata nito, sakto lang ang kulay ng balat niya, matangos ang ilong at matangkad, medyo malaki din ang katawan neto, at medyo makapal ang kilay.

Halos pigil kami sa pagsigaw ni Taki ng may hilahin siyang isang lalake, Hinawakan niya ang kwelyo nito at tsaka tinanong kung nasan si Black Heart, pero hindi nakasagot iyong kawawang lalake kaya agad niya ito inuntog sa pader, agad nawalan ng malay iyong kawawang lalake dahil sa lakas ng impact ng pagkaka untog nito.

“AYAW NIYONG ILABAS SI BLACK HEART HA! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” Sigaw neto t sa tingin ko seryoso siya dahil naglabas siya ng patalim. May mga guard ng lumapit sa kanya.

“Sir, please huminahon lang po kayo” pagpapakalma sa kanya ng ibang guard.

“LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO!!!”  after niyang sabihin iyon agad nagsipagtakbohan ang mga guard palayo sa kanya. Ano bang klaseng school ‘to kung ganito ang mga guard. At teka nga sino ba ang lalakeng ‘to. Oo aaminin ko nakakatakot siya dahil napaka wild niya, pero isa lang masasabe ko...si Black Heart pa rin ang nakakatakot sa lahat =_=

Meron na naman siyang sinaktan at nawalan ng malay. Hindi na talaga kami mapakale ni Taki sa ginagawa niya. Napahinto ang paghinga namin ni Taki ng dahan dahan siyang dumaan sa kinatatayuan namin.

Dubdub dubdub dubdub

Matagal ko ng hindi nararamdaman ‘to at ngayon nalang ulit dahil sa kilabot na transfer student na’to huhu.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon