Chapter 81 - Year 1999

1.5K 56 19
                                    

These update are dedicated to all the readers and supporters of this story.Iloveyou guys. Thank you for patiently waiting for me :)

Chapter 81 "February 27 1999

*Bang!*

Isang putok ng baril ang narinig sa buong kagubatan, hawak hawak ng isang bata ang isang baril habang nakatutok ito sa itaas ng puno ng nara kung saan may nakalagay na limang lata.

"What the! Kanina pa tayo dito wala ka pa rin natamaan ni isa? Anak ba talaga kita?" Inis na sabi ng ama nito. Hinablot nito ang baril na hawak hawak ni Saito upang ipakita muli sa kanya kung paano ang tamang position ng kamay at katawan upang matamaan ng tama ang target nito.

"Ulitin mo ulit, hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka nakakatama ni Isa sa mga lata na iyan" seryoso sabi ng ama nito. Isang pito taon gulang pa lamang siya, sa murang edad na iyon marami ng itinuro sa kanya ang ama kagaya na lamang nito ang tamang paghawak ng baril na kung tutuusin mabigat pa ito para hawakan ng isa bata. Hindi niya malaman kung bakit kailangan niya pa matutnan ang bagay na'to lalo pa nasa murang edad pa lamang siya, tangi ginagawa lamang niya ay ang sumunod sa ama. Halos tatlong buwan na siya nito tinuturuan ngunit hanggang ngayon ni isa wala pa rin siyang natatamaan lata sa tuwing nagsasanay sila. Inabot na sila ng dilim ngunit hindi pa rin sila nakakaalis sa gubat,dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang natamaan lata. Napabuntong hininga na lamang ang ama ni Saito sa nangyayari. Lumuhod ang isa paa nito upang pumantay sa anak, lagi niya ito ginagawa sa tuwing kakausapin nito si Saito. Kinuha niya ang baril at inilagay sa tagiliran. Makikita ang pagod sa mukha at katawan ng bata. Naawa siya sa nakikita niya ngayon sa anak niya pero kailangan niyang gawin 'to.Kailanagan niya turuan ng ganitong bagay ang anak upang magawa din nito protektahan ang sarili lalo na kapag wala siya sa tabi nito.

"Para rin naman sa'yo ito anak,kapag natutunan mo ang bagay na'to makakaya mong protektahan ang sarili mo laban sa mga tao gusto manakit sa'yo" Lagi ito ang mga katagang sinasabi ni Shito Saga sa kanyang nag iisang anak na si Saito. Alam niya kase na balang araw maari malagay sa panganib ang buhay ng anak ng dahil na rin sa trabaho niya. Sa ganito paraan lamang niya naiisip na maproprotektahan niya ang anak niya kung ituturo niya lahat ng skills and fighting techniques na alam niya.

Naglakad na pabalik ng bahay nila si Shito at si Saito upang kumain ng dinner. Nasa tapat pa lamang sila ng kanilang tahanan ay nakaramdam na sila ng pangamba ng makaamoy na parang may nasusunog.

"Aiko" agad na sambit ni Shito. Nabitiwannito ang dalang bag at mabilis na pumasok sa loob habang sinisigaw ang pangalan ng asawa. Mas lalo ito kinabahan ng sa pagpasok sa loob ng bahay ay napupuno ito ng usok.

"Aiko!" Muli tawag niya. Nakarinig siya na may umuubo banda sa kusina kaya agad ito tumungo roon. Nakahinga naman si Shito ng maluwag ng makita ang ginagawa ni Aiko, binuksan nito ang oven at inilabas ang isang parang uling na creature.

"Nandiyan na pala kayo hehe nagbake kasi ako ng cake kaso mukhang na sunog" Nakangiti nahihiya pagpapaliwanag nito. Nailabas na niya ang toasted na cake na ginawa nito at agad na itinapon sa basurahan.

"Ano ba kase nakain mo at naisipan mong magbake?" Natatawang tanong ni Shito sa asawa. Nagpout naman si Aiko, feeling niya kase wala na talaga siyang pag asa pagdating sa baking.

"Balak ko kase na ako mismo ang gumawa ng cake para sa darating na birthday ni Saito kaya ayan ngayon palang nag aaral na ako" Mgkakasunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Aiko at hindi mapanatag si Shito sa tuwing nakikita niyang ganito ka problemado ang kanyang asawa.

"Gusto mo bang sabay tayo mag aral magbake para magawan natin ng napakalaki cake si Saito?" Nakangiti tanong nito sa asawa. Para naman bigla nabuhayan si Aiko ng dahil sa sinabi ni Shito.

BLACK HEART <3 [FIN]Where stories live. Discover now