<3 Chapter 45

6.4K 146 30
                                    

_Inoue’s POV_

Napapahawak pa rin ako sa labi ko, hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hinalikan ako ni BLACK HEART? Takte takte bakit nakakaramdam ako ng kilig? Mali mali ‘to eh. Di dapat ako magkagusto sa kanya. Ahm pero pwede naman siguro magka crush lang di ba? Okay simula ngayon crush ko lang si Black Heart hindi ko siya gusto. ^_^

“Inoue, di mo siya gusto kaya kalma ka lang” nakahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko. Nagwawala kasi mga organ ko sa katawan pag naiisip ko na may gusto ako sa lalaking iyon. =_=

“Crush ko lang siya, crush ko lang haha tama crush ko lang talaga siya” Napapangiti ako pagnaiisip kong crush ko lang talaga si Black Heart at hindi ko siya gusto...

Pero Poteek lang! Anong pinagkaiba noon di ba? Huhu.

Crush nalang ang term para matanggap ng utak ko, ayaw kasi tanggapin ng utak ko pag Like ang Term eh. Lokohan na kung lokohan, gusto ko kumalma eh.

“Good Morning, Queen” nagulantang pagkatao ko ng biglang sumulpot sa’kin ang lalaking ‘to.

“Na miss kita” sabay yakap sa’kin.

“Argh huwag mo kong yakapin, lumayo ka nga sakin!”-Bulyaw ko sa kanya.

“Pakipot ka pa , Queen, di mo ba ako na miss?” –Eiji.

“Hindi, kaya lumayo ka sakin please lang!” –Inoue. Dali dali ako pumasok ng room pero napatigil ako dahil agad nagwala ang puso ko ng makita ko si Black Heart. Nakatingin siya sa’kin waaah anong gagawin ko?

“Kalma lang, kalma lang Heart, huwag kang maging wild, crush mo lang siya, crush mo lng siya hindi mo siya gusto” Bulong ko sa isipan ko.

Dahan dahan akong pumasok ng room at pinipilit na hindi tumingin sa kanya. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang nahihiya ako sa kanya? TT_TT wala naman dapat ikahiya kasi maganda naman ako...connect?

Umupo na ako sa table ko at nararamdaman ko na nakatingin pa rin siya sakin. Pinagpapawisan ako sa ginagawa niya eh.

“Queen, ang bastos mo naman kinakausap pa kita agad ka naman umalis”-Eiji. Nakatingin lang ako kay Eiji. What the! Nanadya ba talaga siya? Hindi ba siya nadala sa mga sinabi ni Saito sa kanya?

“Oh bakit di ka makapagsalita ha!?” –Eiji. Dahan dahan kong tinignan si Saito, nakatingin siya samin at masama ang tingin niya. Double Dead Triple Dead!

Tumingin din si Eiji kay Saito then he smirk. “Anong ginagawa mo dito?” maangas niyang tanong.

 Tumayo si Saito at tsaka sinipa ang lamesa niya. Sa ginawa niyang iyon agad nagsipaglabasan ang mga classmate ko sa classroom namin at nagtago kung saan. Nakahinga naman ako ng maluwag, buti wala ng tao at kami nalang tatlo dito.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now