<3 Chapter 56 "Forgiveness"

6.1K 89 5
                                    

[Inoue’s POV]

 

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla nalang umuwi si Taki ng hindi nagpapalaam samin pabalik ng manila at maging si Yori. Dalawang araw na ang nakalipas at  hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Yori maging si Taki. May nangyari kaya sa kanilang dalawa?

Nandito ako sa classroom at hinihintay ang pagdating ni Taki, umaasa na pumasok na sana siya at tamang tama dumating ito, nakita ko siya naglalakad sa corridor papunta sa classroom namin. Dali dali ko siya pinuntahan.Nakita ko na nagulat siya ng makita ako at agad na umiwas ng tingin.

“Taki” tawag ko sa kanya. napahinto ito sa paglalakad pero hanggang ngayon hindi pa rin ito tumitingin sa’kin. Mukhang may nangyari nga na hindi ko alam.

“Taki,may problema ba?”Tanong ko dito pero hindi siya umimik at matagal bago siya nakasagot.

“W-wala naman”- Taki. nararamdaman ko na nagsisinungaling ito. After niya sagutin ang tanong ko nagumpisa na siyang maglakad papasok ng classroom. 

“Hindi mo ako maloloko Taki,ano ang problema?” Hindi ako naniniwala sa sinabi niya  na wala daw problema. Ako pa ang niloko niya? Nakalimutan niya atang magbestfriend kami simula pagkabata hanggang ngayon kaya’t alam na alam ko kung may problema siya o wala. Nilapitan ko siya ulit at tinanong. Umupo na ito sa table niya at gaya ng ginawa niya kanina, umiwas na naman siya ng tingin sa’kin. Napabuntong hininga ako, mukhang ayaw niya atang sabihin sa’kin. Siguro hindi pa siya handa para sabihin ito sa’kin.

“Okay hindi na kita pipilitin pang sabihin sa’kin kung ano man iyang problema mo basta tandaan mo lang na nandito lang ako Taki na handang makinig sa’yo” Tahimik pa rin siya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Taki, bakit para wala siya sarili at bakit parang hindi siya mapakali at makatingin sa’kin. Hindi ko maiwasan ang magalala lalo.  Sana maging okay ka na Taki. Napagisip kong hayaan muna siya, alam ko naman na darating din ang panahon na malalaman ko rin kung ano man ang problema niya.

“S-si Y-yori?”- Tanong ni Taki. So it means wala rin siyang balita kay Yori. Hay nako nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi tuloy namin nagawa iyong plano namin para sa birthday ni Taki. Nagkibit balikat ako.

“hindi ko alam”- Inoue

“H-hindi mo alam?”- Taki. nagulat pa ito sa sinabi ko pero unti unti din ito kumalma at parang may malalim na iniisip. Tumango ako.

“Two days ko na rin hindi nakikita iyon”- Inoue. Pagpapaliwanag ko. Nakita ko na napahigpit ang hawak nito sa lamesa.Sabi na eh, ngayon alam na alam ko na na may nangyari nga sa dalawang ‘to na hindi ko alam. P-pero teka nga, baka kaya bigla nawala nalang silang pareho nung nakaraan dahil dahil...s-sinolo siya ni Yori? Loko ‘to lalaki na ‘to ah, pagkatapos ng mga pinagdaanan namin lahat para sa birthday ni Taki, ganito lang pala gagawin niya? S-solohin niya lang pala. Napatingin ako kay Taki, malungkot ang mukha nito. A-ano problema? Hindi niya ba nagustohan ang ginawa ni Yori? Nag iisp pa ako nung maalala ko ang gift ko para kay Taki kaya agad ko kinuha sa bag ko ang gift at itinago muna sa likod ko.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now