<3 Chapter 10 "Table"

11.3K 231 38
                                    

"Run Inoue! Run!" Sigaw sa'kin ng isang batang lalake. Hindi ko makita ng maayus ang mukha niya dahil madilim, pero kahit ganun alam ko na lalake siya dahil sa boses at damit niya. Pero ang di ko pa rin maintindihan eh kung bakit niya ako pinapatakbo. 

Bigla niya ako tinulak kaya napaupo ako at doon ako nakarinig ng putok ng baril.

"Sabi ko tumakbo ka! Papatayin ka niya"  Meron siyang tinuro banda sa harapan namin.

"It's too late to Run, guys" Nanigas ako at bigla niya tinutok ang baril sa'kin at bigla nalang din ako niyakap ng batang lalake.

***

Naghahabol ako ng hininga sa paggising ko at ramdam ko ang pawis sa buong katawan ko. Binabangungut na naman ako.

"Napanaginan ko na naman?" Pagtingin ko sa bintana, medyo madilim pa at tinignan ko na rin ang alarm clock ko, 3:30 am  palang! Paano iyan wala na akong ganang matulog huhu.

Humiga ulit ako sa kama, di maalis sa isipan ko kung bakit sa loob ng limang taon lagi ko napapanaginipan ang batang lalake na yun? Sino ba siya? 

"Ano ba iyan sumasakit tuloy ulo ko sa kakaisip" Sabay hawak sa ulo.

Naglalakad na ako papuntang school, pero lutang pa rin ang isipan ko. Feeling ko ang laki laki na ng mga eyebags ko huhu. Kaya pumasok akong pahikab hikab habang naglalakad at nagbubuntong hininga. Wala sana akong ganang pumasok ngayon kung wala lang kaming quiz sa dalawang subject namin.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now