<3 Chapter 54

5.8K 95 7
                                    

[Inoue’s POV]

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sa kabila ng ginawa ko sa kanya, nag aalala pa rin siya sa’kin.

“I’m sorry” nakonsensiya ako sa ginawa ko kaya humingi ako ng tawad sa kanya. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon dahil nga muntik na akong mapahamak. Nakakatuwang isipin na si Black Heart ay tunay na nag aalala para sa isang kagaya ko.  

Nagsimula na ang laro, first game palang naging mainit na ang laban ng dahil na rin siguro halos lahat kami first timer at kinakabahan na matamaan ng paintball, kase naman sabi nila masakit daw iyon huhu. Sigaw lang ako ng sigaw ay mali hindi lang ako kahit si Fred.

“Waah waah ayaw kong matamaan, ayaw ko!” Halos magtago lang ako sa likod ni Saito

“Ano ba INOUE!”- Saito. Siguro iritang irita na siya dahil simula nagstart ang laro wala na akong ginawa kundi sumigaw at magtago sa likuran niya. Huminga ito ng malalim na parang kinocontrol ang galit. Lumapit nalang ako kay Fred.

“Tumahimik ka at ikaw!” parang yelong nanigas si Fred ng ituro siya ni Saito.

“Kung ayaw niyong kayo ang barilin ko!” inis na sabi niya. Napahawak kami sa isa’t isa ni Fred ng dahil sa takot sa sinabi niya.

[Taki’s POV]

 

“Don’t worry Takin p-protektahan kita” parang ewan na pumwesto agad sa harapan si Yori dahilan nung muntikan itong matamaan ng paintball ng bumaril ang kabilang team sa’min. Buti nalang nahila ko siya pabalik sa base namin.

“Kaasar ka, Yori, p-protektahan daw? Eh ikaw na nga itong muntik matamaan” – Taki.

“S-sorry na Takin, kinabahan ka no? Gusto ko lang naman malaman kung kakabahan ka kung sakaling tamaan ako haha” bwisit ang mga palusot niya ha =__=

“Maging alert ka nga sa laro” utos ko sa kanya at agad na ako dumapa at nagtago sa kabilang puno para bantayan ang mga kalaban.

“Opo boss” tapos gumulong ito pa kabila, hanggang sa gumulong ng gumulong si Yori pa ibaba kung saan wala ng shield na maaring mapagtaguan. What the!

*Pok* *Pok* *Pok*

Pupuntahan ko na sana siya nung biglang nagpaputok ang mga kalaban at sapul siya dahilan para matalo ang red team.Yori Okinawa kahit kailan pahamak ka. =___= Natapos ang first game at kami ang talo.

“Sorry Guys hehe” nakangiting sabi ni Yori habang naka peace sign pa. Sisiguraduhin ko talaga sa susunod na team, hindi ko na ka team ang lalaki ‘to!

“Takin Sorry ha” lumapit na naman siya sa’kin. Hindi ko na siya pinansin, magdusa ka diyan napaka palpak mo talaga kahit kailan.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now