<3 Chapter 55

5.4K 89 4
                                    

[Taki’s POV]

 

Dahil sa lakas ng impact na tumamang paintball sa braso nito napahiga si Yori sa lupa siguro ng dahil na rin sa pilay na natamo sa isnag paa nito. Hindi nakagalaw si Taki sa nangyari at ng dahil sa nagawa. Para siyang nanigas. Nagulat ang lahat sa nakita, nabitawan ni Taki ang paintball gun at halos mapaupo.

“A-ano’to n-nagawa ko?” hindi makapaniwalang tanong sa sarili. Lumapit ang lahat kay Yori except Taki. Nakita niya si Inoue sa harapan niya at may sinasabi ito pero para siynag nabingi at hindi niya maintindihan ang mga sinabi nito instead nakatingin lamang siya sa lalaki nabaril.

“Y-yori” namumuo na ang mga luha nito habang dahan dahan lumalapit kay Yori. Pero hindi siya tuluyan nakalapit ng biglang humarang sa daraanan niya si Faye at may luha na rin ang mga mata nito at makikita nag alit din ito sa kanya.

“Huwag kang lalapit” halos sigaw nito. Napatingin si Taki kay Faye dahil sa pagpigil nito sa kanya na lapitan si Yori. Napahinto si Taki sa paghakbang, hindi niya na maintindihan kung ano ang gagawin niya, kung tama bang lapitan niyapa si Yori sa kabila ng nagawa niya.

“Takin!” napatingin ang lahat ng marinig ang boses ni Yori na ngayon dahan dahan tumatayo habang nakangiti sa kanya at inaalalayan ng iba para makatayo.

“Nice shot! Tinamaan na talaga ako sayo” pabirong sabi nito. Hindi maintindihan ng lahat ang inasta ni Yori at maging si Taki. A-nong p-pinagsasabi niya?

“Ah hehe naglalaro kase kami ni Takin”pagsisinungaling nito. Hindi makapaniwala ang lahat sa dinahilan nito.

“Naglalaro? Eh galing ka sa loob Yori” sabat ni Faye. Ngumiti lang si Yori dito at pinisil ang ilong nito.

“Anong sa loob? Kanina pa kaya ako nandito at nasa tabi lang ni Takin” magsasalita pa sana si Faye ng pigilan siya ni Yori.

“Faye, ganun talaga kami maglaro ni Takin” Gulong gulo ako sa lahat ng pinagsasabi niya, wala akong maintindihan. Ha? Naglalaro lang kami? Tumingin siya sa’kin at kumaway at dahan dahan na lumapit makikita hirap pa itong maglakad.

“Takin, kinabahan ka no?”ng makalapit siya sa’kin pinunasan niya ang luha ko at inakbayan ako.

“sorry guys kung nag alala kayo haha!” tawa ni Yori. Nakikita ko sa mga mukha nila na hindi nila maintindihan ang mga pinagsasabi ni Yori at hindi rin sila naniniwala pero hindi na sila nagsalita pa ng sabihin ni Yori na umuwi na kami.

“Oh siya umuwi na tayo!”- Yori. After niyang sabihin iyon naglakad na ang iba papunta sa van except samin dalawa.

Napatingin ako kay Yori at nagulat ako nung unti unti napawi ang mga ngiti nito sa labi at unti unti napalitan ng seryosong mukha. Kumawala siya sa pagkaka akbay sa’kin at tumalikod. Nanginginig ang kamao nito at natatakot ako sa nakikita kong Yori ngayon. Nanginginig siya sa galit.

“Ganyan ka ba talaga?”- Yori. Humarap siya sa’kin at hinawakan ang magkabilang braso ko ng mahigpit to the point na nasasaktan na ako.

“Ganyan ka ba talaga, Takin!?” punong puno ng galit ang tono ng pananalita nito. Hindi ako naka imik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at isa pa, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nagawa ko.

“Ano? Nagse-selos ka ba? Nags-selos ka ba dahil hanggang ngayon hindi ikaw ang tinitignan ng lalaking iyon?! Magsalita ka Takin!” Sigaw nito. Nagumpisang tumulo ang mga luha ko hindi dahil sa sakit ng pagkakahawak niya,kundi dahil sa mag ibinibentang niya sa’kin ngayon. Kung alam lang niya kung bakit nagawa ko iyon, kung alam lang niya na dahil sa sobrang pag aalala ko sa kanya at siguro dahil sa selos na nararamdaman ko na kanina ko pa tinitimpi kayak o nagawa nag isnag bagay na kahit ako hindi ko inaasahan.

“GUMISNG KA NGA! Kung hindi ako dumating kanina sigurado akong isang malamig na bangkay ka na!” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. M-malamig na bangkay? –anong ibig niyang sabihin?

Tumawa ito ng pilit pero makikita ang galit sa tono ng tawa ni Yori.

“Sa tingin mo importante ka sa buhay niya?” he smirk “ PWES nagkakamali ka dahil sa nakikita ko hindi ikaw ang importante kundi ang babaeng muntik mo ng saktan kanina!”- Yori. Namumula na ito sa galit at hindi ko na kinaya pang makita ang itsura niya. Halo halo ang nararamdaman ko, nakokonsensiya at feeling ko ako ang pinaka masamang tao sa buong mundo!

“Hindi ako makapaniwala!” dahan dahan niya binitiwan ang magkabilang braso ko habang umiiling.

“Hindi ako makapaniwala na kaya mong saktan ang kaibigan mo para lang sa lalaking iyon!”- Yori. Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang hikbing kanina pang gusto gustong lumabas. Nasaktan ako, sobrang nasasaktan ako ngayon sa mga pinagsasabi niya a-at siguro ang isa pang dahilan kung bakit ako nasasaktan, dahil hindi ko rin matanggap sa sarili ko na muntik ko ng saktan si Inoue ng dahil lamang sa selos, inggit at galit. Tumalikod sa’kin si Yori.

“S-siguro nga...” napahinto ako sa paghikbi ng marinig ang tono ng pananalita nito

“W-wala ng kw-kwenta..” he clear his throat bago tuluyan nagsalita. Dahan dahan akong napatingin sa kanya at unti unti ko naramdaman ang kaba sa s-sunod na salitang bibitawan niya.

“Wala ng kwenta ang lahat ng ginagawa ko para mapansin mo lang ako” hindi ko na napigilan hikbi ko ng makita kong parang humihikbi na rin si Yori. Umiiyak siya? N-nasaktan ko siya at nasasaktan din ako sa nagawa ko. Bakit ko ba nagawa iyon? Bakit?

“ITO NA ANG HULI! BAHALA KA NA SA BUHAY MO!” – Yori.Kasabay ng pagkasabi niya nun unti unti itong naglakad palayo sa’kin. Hindi ko na kinaya pa ang lahat ng nangyari at napaupo na ako sa sahig dahil hinang hina na ako sa mga nangyari, bumigay na ang mga tuhod ko, hindi na rin napigilan ang mga luhang kanina pa nagp-protestang lumabas.

Gusto ko magsalita, gusto ko magpaliwanag. Gusto ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Gusto ko sabihin sa kanya  ang totoo at ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon.  Pero ano pa ang silbi noon? Wala na rin dahil kahit ano pang dahilan ang ibigay ko, iisa pa rin ang kakalabasan. Na nagkamali ako, na maling mali ako dahil sa nagawa ko. Muntik kong saktan ang matalik kong kaibigan ng dahil sa selos at inggit.

“Napakasama ko!”- Taki

“Ang sama sama ko!” –Taki. Patuloy lang ito sa pag iyak.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now