<3 Chapter 83 "Lost Memories and Sacrifices"

3.2K 71 2
                                    

Chapter 83 “Lost Memories and Sacrifices”

_Inoue’s POV_

 Gusto ko malaman kung sino ba talaga ako. Sabi nila ako si Mayumi ngunit wala ako matandaan. Iisa paraan lang tangi naiisip ko para bumalik ang iba kong alaala.

 Napatingin ako sa lumang bahay ng Saga Family. Napahigpit ang hawak ko sa bag habang naglalakad papasok sa loob. Muli ay naramdaman ko ang una kong naradaman sa pagpasok ko sa bahay nito. Tumaas ang balahibo ko na wari may mga kaluluwa namamalagi na dito. Pinihit ko ang pinto at nabuksan ko ito. Mag isa lamang ako ngayon, naglakas loob nagbabaka sakali dito ko mahanap ang nawawala bahagi ng pagkatao ko.

 “Happy Birthday to you!” Sa pagpasok niya sa lugar ay nagulat na lamang siya ng may nadinig na naman siyang boses na kumakanta ng birthday song. Nakaramdam siya ng takot dahil muli nagbabalik na naman ang mga boses na iyon. Tinignan niya ang bawat parte ng bahay. Natigilan na lamang siya ng makita ang isa batang babae na may hawak hawak na plato at punong puno ng luha ang mukha nito. Naiharang ni Inoue ang shoulder bag nito sa mukha ng makita aakmain siyang tatapunan ng plato nung bata. Naghintay siya ng ilang Segundo pero wala siyang naramdaman na plato na tumama sa kanya, tangi naririnig lamang ay mga plato binabasag. Napatingin ako muli sa direction ng bata babae ngunit wala na ito. Iginaya ko muli ang tingin sa paligid. Nakita ko ang isa babae nakaluhod at halos magmakaawa sa lalaki kaharap ngayon na hawak hawak ang dalawang bata. Napapikit na lamng siya na wari naguguluhan, ano ito mga nakikita ko?Napatingin siya isang bata nakaupo sa sahig habang puno puno na rin ng luha ang mga mata niya.

 “Mayumi! Takboo!”  Nakita ko muli ang batang babae na halos hindi na makagalaw ng may isa lalaki papalapit sa kanya.  Sa pagkakataon na iyon ay nakaramdam ako ng kaba.

“T-tama ba ang nadinig ko, tinawag niya Mayumi ang bata iyon?” Halos manlambot ang mga tuhod ni Inoue sa narinig.

 “Saito,tara na, takbo!” Nakita muli niya ang batang babae hinila nito ang batang lalaki. Napaupo na lamang si Inoue sa lapag ng sa sumunod na nalaman.

“S-Saito?” Muli ay bumagsak ang mga luha niya. Si Saito ang bata lalaki na iyon? Napahawak si Inoue sa ulo niya ng maramdaman ang sobra sakit na parang mabibiyak ito.

 "AAAAAH” Napasigaw na lamang siya sa sakit. May mga bagay na nakikita siya, isang babae na sinisigaw ang panagalan na Shito at ang isa naman ay lalaki na sinisgaw ang pangalan ay Aiko.

 “ATASHI TAMA NA!” Halos mapatalon si Inoue sa gulat at takot ng makita niya ang dalawang lalaki nag aagawnag ng baril ngayon at maya maya pa ay nakatutok na ito sa kanya.

*Bang*

Halos nanigas si Inoue sa sumunod na nakita, nakita niya ang babae may tama ng bala sa ulo na ngayon ay unti unti na lumilinaw ang mukha ng mga tao sa kanyang paningin. Kung kanina ay blur ito ngayon ay unti unti na niya nakikita ang mga itsura nito.

“AIKO!” Sigaw nung lalaki. Napatayo si Inoue at nanatili nakatingin sa mga nangyayari. Napatingin din siya sa bata walang imik at bakas sa mukha nito ang pagkagulat ng dahil sa nangyari.

“M-Mama?” Napatakip ng bibig si Inoue sa narinig. S-sila ang mga magulang ni Saito? Dahan dahan na paatras si Inoue at hindi makapaniwala. Sumunod naman niya nakita na Itinutok ng isa pang lalaki ang baril sa mismo dibdib ng ama ni Saito. Halos mabaliw na siya sa mga nangyayari at nakikita.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now