<3 Chapter 72

6.4K 105 21
                                    

Para makita niyo po ang chapter 71 pumunta po kayo sa profile ko nandoon po ang link sa all about me ^___^

11 Chapters to go epilogue na d (^_~) b

[Taki’s POV]

Halos na ubos na lahat ng luha ko sa kakaiyak kaya siguro wala ng lumalabas. Ilang araw na akong iyak ng iyak, durog na durog na ang puso ko, simula ng malaman ko ang lahat. Ang sakit sakit, w-wala na ba katapusan ‘to? Bakit kailangan ko pa malaman ang mga bagay na iyon. Ang katutohanan na iyon. May maganda naidulot ba siya sa’kin, Wala! Dahil puro sa’kit lang ang nararamdaman ko ngayon at galit. How I wish na sana hindi ko nalang nalaman lahat ng iyon.

“He was murdered” – Mama

“I killed your Father, Taki” – Yori.

Hanggang ngayon ayaw pa rin maalis sa isipan ko lahat ng mga sinabi nila. Pag naalala ko iyan, parang unti unti hinihiwa ang puso ko sa katutohanan na iyon. Kwenento sa’kin lahat ni Mama,lahat lahat ng alam niya. Noong gabi bago pinatay si Papa.

*FlashBack*

[Taki’s Mother POV]

“Taki, ikaw na muna bahala sa kapatid mo ha” Pakiusap ko kay Taki.

“ Princess po ang itawag mo sa’kin, mama!” Kahit kailan talaga napaka kulit ng anak kong ‘to.

“Anak, Taki ang pangalan mo at hindi princess” pagtama ko sa kanya, gusto ko ipaintindi iyon sa kanya. Ito kase si Yakito, kung hindi naman pala Taki ang itatawag niya sa anak at Princess lang, bakit hindi nalang iyon ang ipinangalan namin kay Taki =___=

“Princess po ako, Mama” hay na ko napaka kulet talaga. Napangiti na lamang ako sa kakuletan niya. Tinawag ko na lamang ang kapitbahay namin para makiusap na tignan mo na sila Taki and Etushi habang wala ako. Magbabayad lang sana ako ng mga bills ng kuryente, tubig and telephone tsaka mag gro-groceries. Napatingin ako sa wall clock, Ala’s kwatro na ng hapon pero hindi pa rin dumadating sila Yakito and Yori. Nasaan na kaya ang dalawang iyon? Muli ko naalala ang napag usapan namin ni Yakito kagabi.

“Yakito, ibigay mo nalang sa kanila si Yori” Halos magmakaawa na ako sa kanya na gawin iyon. Pero nagmatigas siya, ganon niya kamahal ang bata ‘to? Sa totoo lang minahal ko na rin si Yori at naawa ako sa mga pinagdaanan niya pero mas mahal ko ang pamilya ko. Ayaw kong may masamang mangyare sa asawa at mga anak ko. Isang araw ay pumunta ako sa office ni Yakito para dalhan siya ng lunch ng makita ko ang apat na lalaki na sunod sunod na lumabas sa office ng asawa ko, nangilabot ako sa mga itsura nito, para silang mga krimenal kong titignana. Dali dali ako pumasok at nagulat na lamang ako na makita napaka gulo ng buong office ni Yakito.

“Yakito” nabitawan ko ang dala kong pagkain ng makita naka upo si Yakito sa sahig habang hinahawakan ang sugat nito sa labi. Nakaramdam ako ng takot at awang awa sa asawa ko, ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang mga lalaki iyon, pero hindi niya iyon sinagot at nanatili lamang siya tahimik.  Ang araw bago kami nag usap ni Yakito tungkol kay Yori ay nakatanggap ako ng sulat na inilagay sa mailbox.

BLACK HEART &lt;3 [FIN]Where stories live. Discover now